PARIS, France — Itinampok sa isang prestihiyosong museo sa Paris, France ang mga sining at kultura ng mga Pilipino noong pre-colonial period na tinawag na “Archipel Des Échanges” (An Archipelago of Exchange).
Ito na ang pinakamalaking exhibition na inihandog ng Quai Branly Museum sa Pilipinas.
Ayon kay French Ambassador Gilles Garachon, layon ng exhibit na itaguyod at ipakilala ang kulturang Pinoy di lamang sa mga Pranses kundi maging sa mga bumibisita dito mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Isa sa pinaka-matandang artifact dito ay nagmula pa sa Cagayan Valley na ginawa noong ika 15-siglo.
Ito ay ang “divinity of carrying rice to cut”, mga damit at gamit na pang-digma ng mga sinaunang katutubo sa Mindanao, wooden statues, mangkok, hinabing tela, katutubong music instruments at photo gallery.
Bukod sa Pilipinas ay may ilan ring naka-display na koleksyon mula sa ibang bansa tulad ng Amerika, Belgium, The Netherlands, Spain at Austria.
Ang naturang exhibit ay magkatuwang na binuo ng National Museum, Central Bank of the Philippines at Ayala Museum.
Ito ay nagbukas noong Abril at magtatapos sa Hulyo 14. (Piching Vizcarra & Ruth Navales, UNTV News)