Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Travel restrictions para sa fully vaccinated senior citizens, menor de edad niluwagan ng pamahalaan

$
0
0

MANILA, Philippines – Niluwagan ng pamahalaan ang panuntunan sa pagbiyahe ng mga menor de edad at mga senior citizen sa gitna ng ipinaiiral na COVID-19 alert level system sa Metro Manila.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan na ang ang point-to-point interzonal travel mula Metro Manila patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine o modified general community quarantine.

Sakop nito ang mga indibidwal na may edad 18 pababa, higit 65 pataas, mga may co-morbidities, at buntis na fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay Roque, ito ay bahagi ng mga hakbang sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa bansa sa gitna ng dumaraming bilang ng mga Pilipinong nababakunahan na laban sa coronavirus disease.

Ngunit paalala ni Roque, dapat pa rin silang sumunod sa minimum health protocols at mga panuntunang ipinatutupad ng Department of Tourism at mga lokal na pamahalaang nakakasakop sa mga lugar na kanilang pupuntahan.

Bukod dito ay pinaikli na rin ng pamahalaan ang mandatory quarantine period sa fully vaccinated inbound travelers mula sa mga bansa at hurisdiksyong nasa green at yellow list ng Pilipinas.

Ang green at yellow list ay klasipikasyon para sa mga bansang may low at medium-risk sa COVID infections.

Ayon kay Roque, mananatili ang inbound passengers sa mandatory facility-based quarantine at sasailalim sa RT-PCR test sa ikalimang araw mula nang sila ay dumating at home quarantine na hanggang ikasampung araw.

Sa mga hindi naman bakunado, partially vaccinated at mga ‘di matukoy ang kanilang vaccination status, mananatili sila sa facility-based quarantine at sasailalim sa RT-PCR testing sa ika-pitong araw at ipagpapatuloy ang home quarantine hanggang ika-14 na araw.

“Sa mga fully vaccinated, 5 days facility-based, PCR test, 5 days home quarantine. Sa mga hindi bakunado, 7-day facility-based, 7 days home quarantine,” ani Roque.

Maaari namang ipresenta ng fully vaccinated overseas Filipino workers ang certification ng Philippine Overseas Labor Office, VaxCertPH digital vaccination certificate o BOQ-issued international certificate of vaccination para ma-verify ang vaccination status.

Sa non-OFWs at foreigners na nabakunahan abroad, national digital certificate ng foreign government ang kailangang ipresenta.

Inaatasan naman ang Bureau of Quarantine na magkaroon ng strict monitoring sa mga sintomas ng mga indibidwal na nasa quarantine facilities.

Nilinaw naman ng pamahalaan na hindi pa rin pinapayagan sa ngayon ang general inbound tourism o pagpasok ng foreign tourists sa bansa. – RRD (mula sa ulat ni Correspondent Rosalie Coz)

The post Travel restrictions para sa fully vaccinated senior citizens, menor de edad niluwagan ng pamahalaan appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481