Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Konstruksyon ng Fatima University Medical Center sa Antipolo Rizal, sinimulan na

$
0
0

Fatima University Medical Center Groundbreaking (UNTV News)

MANILA, Philippines – Isa ang Fatima University Medical Center na katuwang ng UNTV (Your Public Service Channel) sa pagbibigay ng libreng serbisyo medikal sa ating mga kasangbahay.

Kabilang sa mga serbisyong handog ng FUMC ang libreng cataract screening and operation, OB-Gyne screening and operations, stone center for kidney and gallbladders at marami pang iba.

Upang makapagbigay ng mas malawak na serbisyo sa ating mga kababayan, isang panibagong ospital at community mall ang itatayo ng FUMC na matatagpuan sa Km. 23 Sumulong Highway, Antipolo City.

“It’s going to be a commercial establishment with restaurants and other businesses,” pahayag ni Dr. Yvonne Santos- Guevara, FUMC Hospital Administrator.

“It’s like a stores and at the back of this commercial establishment will be the second hospital that we are going to build,” saad pa nito.

“Yung hospital is a general hospital, tertiary meaning lahat ng serbisyo ng unang ospital namin sa Valenzuela ay dadalhin din namin at hihigitan pa,” saad naman ni Dr. Vicente Santos, ang Presidente ng FUMC.

Magkakaroon ang bagong ospital ng mga makabagong pasilidad na magagamit sa iba’t ibang medical treatment.

Bukod sa ospital at community mall, magtatayo din ng karagdagang gusali para sa OLFU.

Nangako naman ang pamunuan ng Fatima University Medical Center na patuloy silang makikipagtulungan sa UNTV sa pagbibigay serbisyo sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan. (Joan Nano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481