Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Paghihigpit sa recruitment at madalas na pagre-shuffle sa mga pulis, ipinanukala ng mga kongresista

$
0
0

Ipinanukala ng mga kongresista sa pagdinig ng House Committee ang paghihigpit sa recruitment ng mga bagong pulis at ang madalas na reshuffle sa kanilang destino upang maiwasan ang sabwatan sa paggawa ng krimen(UNTV News)

MANILA, Philippines – Ilang video-clips ang ipinakita ng Philippine National Police habang iniimbestigahan ang nangyaring huli-dap sa EDSA-Mandaluyong noong isang linggo na kinasasangutan ng ilang pulis.

Sa pagdinig ng House Committee on Public Order And Safety, pinagpaliwanag ng mga kongresista ang mga tauhan ng PNP kung bakit ito nangyayari sa kanilang hanay.

Ayon kay Police Deputy Director General Fellipe Rojas, ikinalulungkot nila na mabahiran ang magandang imahe ng pulisya subalit hindi ito maiiwasan.

Sabi ni Rojas na patuloy ang kanilang operasyon upang mahuli ang walo pang pulis na umano’y sangkot sa iba’t ibang krimen.

“For the last 4 major incidents like Pastor killing, Pangasinan killing and here the incidents  4 policeman involved all are suspects but the good thing is good policemen arresting bad policemen we still have the ray of hope in the PNP sa Crame may mga generals na nakukulong sa alleged anomalies.”

Sa pagdinig, isa sa mga nakikitang solusyon ng mga kongresista upang mabawasan ang mga nasabing insidente ay ang higpitan ang recruitment process para sa mga bagong pulis.

Hinikayat rin ng mga kongresista ang pambansang pulisya na gawing regular ang pag-reshuffle sa destino ng mga pulis upang maiwasan ang matagal na pagsasama-sama sa isang police station gayundin ang sabwatan sa paggawa ng krimen.

Sangayon naman dito ang PNP subalit isinasaalang-alang rin nila ang performance ng isang pulis.

Sa ngayon ay dalawang taon bago alisin sa destino ang isang pulis subalit kung maganda ang performance nito ay hindi muna ito inililipat ng lugar.

“Maganda ang recommendation, pero dapat yung may problema kasi kung efficient ka naman sa trabaho mo bakit ire-reshuffle ka, pwede kami ma-assign anywhere in the Philippines,” saad ni NCRPO Chief P/Dir. Carmelo Valmoria.

Isa rin sa tinitignan ng PNP sa isinasagawang impbestigasyon ay ang posibilidad na matagal nang nangyayari ang nasabing modus operandi at ngayon lamang natuklasan.

Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na mayroon ng mga kasong kidnaping at robbery ang ilang pulis na sangkot sa Edsa-Mandaluyong incident.

Sa kabila nito, tiniyak ng pulisya na ligtas pa rin ang Metro Manila sa mga tiwaling pulis dahil hinigpitan na ang pagroronda ng mga pulis at nagdagdag na rin sila ng checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481