Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagbibigay ng emergency power sa Pangulo, nakikitang solusyon vs. port congestion at matinding traffic sa Metro Manila

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno S. Aquino III graces the Philippine Business for Social Progress (PBSP) Membership Meeting and launch of Mindanao Inclusive Agribusiness Program (MIAP) at the SMX Convention Center in Lanang, Davao City on Monday (September 08). (MALACANANG PHOTO BUREAU / PCOO)

MANILA, Philippines – Dalawawang beses na inalok ng mga kongresista si Cabinet Cluster Secretary Rene Almendras na bigyan na ng emergency power si Pangulong Benigno Aquino III upang mapawalang bisa ang ipinatutupad na truck ban sa lungsod ng Maynila.

Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development nitong Huwebes, sinabi ng mga kongresista na dapat nang mailabas sa pier ang halos 20-libong container sa lalong madaling panahon upang masolusyunan ang nararanasang mabigat na trapiko na epekto ng truck ban.

“If you are willing to get the intervention of Congress we are willing to grant you emergency power just to solve this problem,” pahayag ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Rep. Winnie Castelo.

“If the emergency power is needed gawin na po natin kawawa po ang ating mga kababayan,” saad naman ni Parañaque Rep. Gus Tambunting.

Subalit ayon kay Sec. Almendras, hindi pa napapanahon ang pagkakaloob ng emergency power sa Pangulo.

Sinabi ni Almendras na may mga ginagawa na silang hakbang upang maresolba ang problema gaya ng target na maalis ang mga nakatambak na container sa pier ngayong linggo.

Gayunman, bukas naman ang kalihim sa nasabing suhestyon kung hindi magiging epektibo ang kanilang mga plano.

“If other solution will not work we have to take more drastic action po.”

Sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Task Force Pantalan sa City of Manila.

Ayon kay Almendras, isa sa ipinakikiusap nila sa pamahalaan ng Maynila na sana ay buksan ang mga kalsada ng Capulong, Lopez, Euseco, Lacson, Sta. Mesa at Magsaysay upang mabilis ang pagpasok at paglabas ng mga container sa pier.

Isa rin sa nakikita nilang solusyon ay ang ibalik sa dating sistema na kahit may truck ban ay regular na nakakapasok at nakakalabas ang mga container sa pier.

“Bakit hindi natin ibalik doon sa before Feb. 2014 meron na truck ban nun,” saad pa ng kalihim. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481