MANILA, Philippines — Patuloy na dumarami ang bilang ng mga nabibigyan ng scholarship grant ng La Verdad Christian College (LVCC).
Ngayong school year, mahigit 800 ang nabigyan ng pagkakataong mag-aral ng walang bayad sa pamamagitan ng proyektong “Free College” ni Brother Eli Soriano at Kuya Daniel Razon.
“The intent of our institution is to be leading by His principle and His Name, the name La Verdad Christian School is because of our Christian faith ang paniniwalang Kristiyano, ang paniniwalang nakabase sa aral ng Panginoong Hesukristo,” pahayag ni Bro.Eli Soriano, ang Founding Chairman ng LVCC.
Lahat ng mag-aaral sa La Verdad Christian School ay libre ang tuition, miscellaneous, uniform, ID, libro, lunch meal, maging ang dormitoryo at pamasahe ay libre para sa mga malalayo ang tirahan.
Dahil dito, nanawagan sina Brother Eli at Kuya Daniel sa mga estudyante ng LVCC na samantalahin ang pagkakataong makapag-aral ng libre upang makatulong di lamang sa kanilang mga magulang, kundi maging sa mga nangangailangan kapag sila ay umasenso na sa buhay.
“Kayong mga kabataan, kayo ang magiging tungkod ng inyong mga magulang sa katandaan may utang tayo sa ating mga magulang, sabi sa Biblia dapat nating mahalin at igalang ang ating mga magulang sapagkat yan ay utos ng Dios na may pangako.”
Dagdag pa ni Bro. Eli, “para kayo mapabuti tutulungan namin ang inyong mga magulang na kayo ay maakay sa kabutihan sa pamamagitan ng pagaaral na nakatalaga, walang bulakbol, magpakatino kayo mga magaaral natin at libre kayong makakatapos.” (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)