Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Umano’y “quota system” sa mga low ranking policemen, pinaiimbestigahan na ng PNP

$
0
0

PNP PIO Chief P/CSupt. Reuben Theodore Sindac (UNTV News)

MANILA, Philippines – Kumikilos na ang Counter Intelligence unit ng PNP Intelligence Group upang imbestigahan ang napabalitang quota system.

Base sa lumabas na balita, obligado ang isang istasyon ng pulisya na mag-remit ng P3,000 hanggang P7,000 sa kani-kanilang district office kada linggo.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Reuben Theodore Sindac, bagama’t walang basehan at hindi nagpakilala ang pinagmulan ng issue ay pinaiimbestigahan na nila ito.

“Titingnan sa buong PNP kasi ang Counter Intelligence naman ay nationwide ang kanilang coverage, they will validate the veracity of this information.”

Sinabi pa ni Sindac na matagal nang lumalabas ang ganitong isyu subalit hindi rin napatutunayan dahil walang lumulutang upang patunayan ang alegasyon.

“Even before may mga ganong impormasyon pero it has never been proven,” saad pa ni Sindac.

Kaugnay nito, nanawagan din ang PNP sa kanilang mga tauhan na isumbong ang mga nalalaman hinggil sa “quota system” para sa pagsasagawa ng isang maayos na imbestigasyon. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481