Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2 magkahiwalay na motorcycle accident sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang pagresponde ng UNTV News and Rescue sa isang motorcycle accident nitong Lunes nitong Lunes sa Barangay Tandang Sora, Congressional Avenue, Quezon City. (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Sugatan ang magkaangkas sa motorsiklo nang madulas ang kanilang sasakyan habang dumaraan sa isang tulay sa Baranggay Tandang Sora, Congressional Avenue, Quezon City alas-8:30 ng umaga nitong Lunes.

Binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang driver ng motorsiklo na si Ronald Jumawa matapos magtamo ng gasgas sa magkabilang pa.

Nagtamo rin ng gasgas sa magkabilang tuhod ang angkas na si Nasaly Palce.

Ayon kay Jumawa, mabagal lamang ang kanilang takbo ngunit bigla siyang nagpreno dahil sa lubak sa tulay.

Dahil sa minor injuries lamang ang tinamo ng mga biktima hindi na ito nagpahatid pa sa ospital.

Ayon naman kay Monico Montesa, Traffic Enforcer sa naturang barangay, marami ng naaksidente sa tulay lalo na tuwing umuulan.

“Marami nang nadisgrasya dito sa tulay, lalo’t nagkaroon ng lubak, hindi lang bente siguro,” saad nito.

Samantala, dalawa ring magkaangkas sa motorsiklo ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Mindanao Avenue Extension, Quezon City noong Biyernes ng gabi sa kapareho ring dahilan.

Ayon sa driver ng motor na si Claudio Gumalay, hindi nya napansin ang lubak sa kalsada.

Bagama’t nagawa pa nitong makapag-preno ay nadulas pa rin ang kanilang motor.

Nagtamo ng mga gasgas sa tuhod at kamay si Claudio, samantalang nagkaroon naman ng sugat sa kaliwang palad ang angkas nito na si Ruby Reza.

Matapos mabigyan ng pangunang lunas ay kaagad na dinala ng UNTV News and Rescue Team ang dalawa sa Quezon City General Hospital. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481