Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Malakanyang, pormal nang hiniling sa kongreso na mabigyan ng emergency power si Pangulong Aquino

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno Aquino III (Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Pormal ng hiniling ng Malakanyang sa kongreso na bigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Benigno Aquino III.

Sa liham na ibinigay ng Malakanyang sa kamara, nakasaad na hinihiling ni Pangulong Aquino na aksyunan sa lalong madaling panahon na mabigyan siya ng kapangyarihan na makipag-kontrata para sa karagdagang supply ng kuryente.

Sa pamamagitan nito, maaari ng makipagkontrata ang pamahalaan upang mapunan ang kakulangan sa supply na kuryente ng bansa sa susunod na taon.

Ayon sa Department of Energy (DOE), maraming mga solusyon ang nakikita nilang makatutulong upang maiwasan ang nakaambang power crisis.

Subalit kailangan muna na mabigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Aquino upang magkaroon ito ng katuparan.

Ayon kay Energy Secretary Jericho Petilla, mayroon na lamang anim na buwan bago ang pinangangambahang power crisis at kung hindi ito maaksyunan sa lalong madaling panahon ay magdudulot ito ng perwisyo sa mga tao.

“We are definitely running out of time, so Section 71 kung ina-approve yan time is of the essence, siguro hindi naman ako nagkulang kakasalita dito,” anang kalihim.

Ayon naman kay Committee on Energy Chairman Rep. Rey Umali, kailangan muna nilang makuha sa DOE ang ilang mga detalye at impormasyon upang mapatunayan na kailangan nga ng pangulo ang emergency power.

“Para malinaw sa congress kung ano ang parameters really to enable us to determine and establish yung imminent shortage of power at anu yung parameters and conditions for the grant of emergency power.”

Nagpahayag rin ng suporta si Umali sa kahilingan ng pangulo. Aniya, inaasahan na bago matapos ang Oktubre ay matatapos nila ang mga pagdinig kaugnay sa kahilingan ng pangulo.

Samantala, ayon naman kay Bayan Muna Representative Neri Colmenares magreresulta ito ng lalong pagtaas ng presyo ng kuryente na posibleng umabot sa P0.60 per kilowatt-hour (kWh).

Kasunod umano nito ay ang pagtaas din ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Colemnares, maaari namang maresolba ang nakaambang problema sa kuryente sa paggamit ng wind at solar power.

“We will make sure na hindi ito agad-agad maibibigay ng kongreso sa kanila.”

Depensa naman ni Sec. Petilla, “Anu naman kung hindi ibinigay? Possible brownouts, you have pros and cons with these magsususpetyahan tayo lagi, yung iba nga nagsusupetsa nga din yung iba gusto talaga magka-brownout para magkagulo, there are some sectors that also want that. What do we want, the lease effect to the public.” (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481