Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Senado, nais ang mas malinaw na parameters sa hiling na dagdag-kapangyarihan ni Pangulong Aquino

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno Aquino III. (Rey Baniquet / Malacañang Photo Bureau / PCOO)

MANILA, Philippines – Nakatanggap rin si Senate President Franklin Drilon ng liham ni Pangulong Benigno Aquino III na humihiling sa kongreso na magpasa ng isang joint resolution na magbibigay sa pangulo ng emergency powers kaugnay ng nakaambang power crisis sa susunod na taon.

Subalit ayon kay Drilon, napakalawak ng hiling na ito ng Pangulo.

“We don’t have the draft joint reso. We don’t know the parameters.”

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance ngayong Martes kaugnay sa 2015 budget ng Department of Energy (DOE), tinanong ng senador si Energy Secretary Carlos Jericho Petilla kung hanggang saan ang saklaw ng kapangyarihang hinihingi ng Pangulo.

Binanggit ng kalihim ang mga nakasaad sa Section 71 ng Republic Act 9136 o mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA).

Nilinaw rin ni Petilla na hindi emergency power ang kanilang hinihingi para sa pangulo,kundi ang mabigyan lamang ito ng kapangyarihan para sa karapatan nitong pumasok sa isang kontrata para sa karagdagang suplay ng kuryente.

Tinanong naman ni Sen. Francis “Chiz” Escudero kung magkano ang mababawas sa pondo ng pamahalaan para sa karagdagang generating capacity at kung saan ito kukunin.

Sagot ng kalihim, “P6 billion source it from Malampaya for additional generating capacity (300 MW).”

Bagama’t itinuturing na urgent ang naturang kahilingan dahil sa pinangangambahang krisis sa kuryente, pag-aaralan munang mabuti ng Senado ang nilalaman nito.

“We know the urgency. Given all the complicated issues, we cannot crash into this, but we will work on it,” ani Drilon.

Pahayag naman ni Sen. Sergio Osmeña III, “We have to protect the Filipino people, di basta basta, be careful dapat. We have to make sure the people know how high the price will be.”

Sakali namang hindi payagan ng kongreso ang hiling ng Pangulo, siniguro ni Petilla sa publiko na gagawin pa rin ng DOE ang lahat upang masolusyonan ang problema ng power supply sa bansa.

Aniya, “I don’t want to give up. I don’t want the people to suffer, so I will continue to strive.”

“In as much as I don’t want to contract, the alternative is to do nothing which is a bigger sin.”

“Act no matter what ang sabihin ng iba. We are addressing the problem, with or without granting authority,” pahayag pa ni Petilla. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481