QUEZON CITY, Philippines – Pinapagpaliwanag ng Sandiganbayan ang mababang kapulungan ng kongreso kung bakit hindi pa rin nito ipinatutupad ang suspension order kay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.
Hindi naman umano umapela si Arroyo sa desisyon ng korte kaya walang dahilan upang hindi ito ipatupad.
Si Arroyo ay nahaharap sa kasong graft dahil sa umano’y pag-apruba nito sa maanomalyang NBN-ZTE deal. (UNTV News)