Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Seguridad sa Davao City, hinigpitan kasunod ng nangyaring pagsabog sa GenSan

$
0
0

Ang blast site sa General Santos City. Dahil sa pagsabog naghigpit ang Davao City ng seguridad. (UNTV News)

DAVAO CITY, Philippines – Hinigpitan na rin ang ipinatutupad na seguridad sa Davao City kasunod ng nangyaring pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa General Santos City noong isang gabi.

Bagama’t hindi pa rin tiyak kung simpleng gang war o act of terrorism ang nangyari sa GenSan ay inatasan na ng lokal na pamahalaan ng Davao ang mga otoridad na paigtingin pa ang ipinatutupad na seguridad lalo na sa mga matataong lugar gaya ng mga parke, malls, airport, bus terminal at iba pang vital installations.

Karagdagang checkpoints at police visibility din ang nakikitang paraan ng city police upang maging deterrent ito sa sinomang nais maghasik ng kaguluhan sa lungsod.

Tiniyak naman ng Davao City Police Office na gagawin ang lahat upang bantayan ang lungsod katuwang ang Task Force Davao, Davao City Public Safety Office at mga karagdagang barangay tanod na kinuha ng lokal na pamahalaan para sa pagpapanatili ng peace and order.

Ang mga tauhan ng Task Force Davao ang pangunahing nagbabantay at nagsasagawa ng checkpoints sa iba’t ibang entry points sa lungsod gaya ng mga nanggagaling sa central Mindanao, Cagayan De Oro City at iba pa.

Humihingi din ng kooperasiyon mula sa publiko ang mga otoridad para sa mga programa laban sa terorismo. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481