MANILA, Philippines – Magpapadala ng mga medical team ang Armed Forces of the Philippines sa mga evacuation center sa Albay matapos na mailikas ang lahat ng mga residenteng nakatira sa mga lugar na sakop ng 6-kilometer permanent danger zone ng Bulkang Mayon.
Ayon sa Southern Luzon Command ng Philippine Army, dalawang team na binubuo ng mga doktor at nurse ang maglilibot upang matiyak ang kalusugan ng mga evacuee.
Batay sa tala ng SOLCOM, aabot sa halos 5,700 pamilya o mahigit 22-libong residente ang inilikas patungo sa mga evacuation site.
Samantala, una nang nagpatupad ng checkpoints at chokepoints ang Philippine Army upang masiguro na walang turista o residente ang maaaring makapasok sa danger zones. (UNTV News)