Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ex-NCRPO Chief Bataoil, dismayado sa bumabagsak na imahe ng PNP

$
0
0

FILE PHOTO: Members of Philippine National Police in formation (UNTV News)

MANILA, Philippines – Ipinahayag ni dating NCRPO Chief at ngayo’y Pangasinan 2nd District Representative Leopoldo Bataoil ang kanyang pagkadismaya sa bumabagsak na imahe ng Philippine National Police (PNP).

Nagbigay rin ito ng ilang suhestiyon upang maibangon ang imahe ng pambansang pulisya kabilang ditto ang massive re-training program sa mga pulis at ang pagtutok ng mga chief of police sa kanilang mga tauhan sa ground upang hindi maligaw ng landas.

“It has to be a regular program nationwide Luzon, Visayas & Mindanao a re-training program for the chief of police, yung grass roots leadership of the PNP that is were our focus should be.”

Sinabi pa ni Bataoil na ikinukonsidera niya ang pagsusulong ng panukalang batas upang mapagbuti ang intelligence, operations at investigative capability ng PNP maging ang pagkakaroon ng moral recovery program.

“Tinitingnan namin ang lahat ng aspects of improving the Philippine National Police as an institutions from the personnel, intelligence, operations, admin, logistics, comptrollership at investigative capability,” saad pa ng kongresista.

At dahil ilegal na droga ang ginagamit na dahilan sa mga ilegal na operasyon ng mga tiwaling pulis, nagpaalala naman ang pamunuan ng PNP-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Force sa kanyang mga tauhan kasabay ng kanilang ika-11 anibersaryo.

“No mercy, no compromise, enforce the law without fear or favor,” mariing pahayag ni PNP-AIDSOTF Chief P/SSupt. Bartolome Tobias.

Nilinaw din ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung sino lamang ang mga otorisadong mag-operate laban sa ipinagbabawal na gamot.

“Kapag pinaplano mong mag-conduct ng buy bust at search warrant operations tapos drugs yung target mo, kailangang magcoordinate yung PNP unit sa PDEA, ang pwede lang magoperate ay yung mga itinalaga lang din ng PNP na anti-drug personnel,” pahayag ni PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac.

Matatandaang ang mga pulis na sangkot sa hulidap sa Edsa ay nakatalaga sa follow up division ng La Loma Station at hindi sa istasyon ng anti-illegal drugs. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481