MANILA, Philippines – Tataas ng P0.22 ang kada kilowatt hour (kwh) ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan ng Hunyo.
Ibig sabihin, ang isang kumokonsumo ng 100 (kwh) kada buwan ay magbabayad ng karagdagang P22.00 sa buwanang electric bill.
Forty-four pesos (P44.00) naman ang dagdag-bayarin ng mga karaniwang gumagamit ng 200 (kwh).
Paliwanag ng MERALCO, ang pagtataas ay bunsod ng paggalaw sa generation at transmission charges gayundin ng mga buwis na ipinapataw dito. (UNTV News)