Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagsalba sa industriya ng sapatos, makatutulong sa unemployment rate sa bansa — Labor Group

$
0
0
Isa sa mga natitira pang mga pagawaan ng sapatos sa Lungsod ng Marikina. (UNTV News)

Isa sa mga natitira pang mga pagawaan ng sapatos sa Lungsod ng Marikina. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Naniniwala ang grupo ng mga manggagawa na malaki ang maitutulong ng muling pagpapasigla sa industriya ng sapatos sa pagresolba sa kawalan ng trabaho sa bansa.

Ayon sa Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), maraming Pilipino ang magkakaroon ng trabaho kung muling sisigla at mapapalawak ang industriya ng sapatos sa Pilipinas.

Simula noong taong 2000, ramdam na ng industriya ng sapatos sa Marikina ang higpit ng kompetisyon mula nang pumasok sa bansa ang mga imported na produkto lalo na ang mula sa China.

Sa ngayon, ilang programa na ang isinasagawa ng Marikina City government upang mapanatiling buhay ang industriya ng sapatos sa bansa.

Pinag-aaralan na rin ngayon kung dapat nang magkaroon ng sariling standard ng sukat ng sapatos ang mga Pilipino dahil French at American sizing system lamang ang ginagamit ngayon sa produksyon ng sapatos sa bansa. (Rey Pelayo & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481