Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dalawang magkakahiwalay na aksidente sa Laguna, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

$
0
0

Ang paglalapat ng first aid ng UNTV News and Rescue Team Laguna sa isa sa mga biktima ng motorcycle accident nitong Miyerkules ng gabi. (UNTV News)

LAGUNA, Philippines – Nilapatan ng pang-unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sugatang driver ng motorsiklo na nagkabanggaan sa Old National Highway, Barangay San Antonio, sa Biñan Laguna, pasado alas-11 ng gabi ng Miyerkules.

Kinilala ang dalawang driver na sina Mark Fro na nagtamo ng sugat sa kaliwang kamay, habang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang tuhod si Nasan Villanueva.

Ayon sa Biñan Police, naiwasan sana ang aksidente kung nagbigyan lamang sila ang dalawang driver ng motorsiklo.

“Ano lang to konting hindi lang nagbigayan ang mga ito. Di naman traffic. Kung titingnan niyo traffic, napakaluwag naman. Pag ikaw nasa intersection dapat suppose to be bago ka pumasok left and right dapat tingnan mo kung may sasakyan o wala para pagpasok mo clear,” pahayag ng imbestigador na si PO1 Noriel Manaig.

Samantala rumesponde din ang UNTV News and Rescue Team kasama ang Sta. Rosa Rescue sa trycycle driver na hinihinalang biktima ng hit and run sa national highway Barangay Tagapo, Sta. Rosa, Laguna, alas-2 ng madaling araw ng Huwebes.

Nagtamo ng sugat sa ulo, tuhod at paa ang biktima na agad namang nilapatan ng pang-unang lunas ng rescue team at dinala sa community hospital ng Sta. Rosa, Rescue.

Tumulong naman ang UNTV News and Rescue Team sa pag-aayos ng daloy ng mga sasakyan dahil madilim ang lugar at maraming mga malalaking sasakyan ang dumadaan. (Sherwin Culubong / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481