Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

2,480 pasahero, stranded sa iba’t ibang pantalan — PCG

$
0
0

IMAGE_UNTV-NEWS_SEPT192014_UNTV-News_PCG_COAST-GUARD

MANILA, Philippines – Kinansela na ng Philippine Cost Guard (PCG) ang biyahe ng lahat ng uri ng mga sasakyang pandagat ngayong araw ng Biyernes dahil sa masamang lagay ng panahon.

Sa tala ng Philippine Cost Guard, umabot na sa sa 2,480 mga pasahero sa Albay at Batangas Port ang stranded sa ngayon.

Nasa 254 rolling cargos rin ang hindi pinabiyahe at pitong barko ang pansamantalang humanap ng mapagkukublihan.

Nananatili namang naka-heightened alert ang PCG.

“Kaninang umaga bandang 8 oclock heightened alert na ang Philippine Coast Guard meaning all of our units should respond to this kind of weather yung mga barko ay nakaready kung sakaling magkaroon ng maritime incident,” pahayag ni PCG Spokesperson Cmdr. Armand Balilo.

Dagdag pa nito, posibleng umabot hanggang bukas ang mahigpit na pagbabantay ng coast guard sa mga pantalan at karagatan.

“Sa ganitong klaseng mahirap na mag-venture pa sa dagat at mangisda dun sa marine forecast magpapatuloy ang ganitong panahon bukas.”

Ilang mga passenger vessel na rin ang pinigilang maglayag mula sa Manila Port papuntang Visayas dahil sa malakas na hangin at alon sa dagat. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481