Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Cebu City Council, magsasagawa ng public hearing para sa awareness campaign kontra Ebola virus

$
0
0

FILE PHOTO: Ang provincial capitol ng Cebu. Kulay pink ang ilaw sa kapitlyo bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Breast Cancer Awareness Month. (PHOTOVILLE International / Romaldo Mico Solon)

CEBU CITY, Philippines — Ipatatawag ng Cebu City Council sa isang public hearing ang iba’t ibang ahensya kabilang na ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) maging ang Cebu City Health Office sa susunod na buwan.

Layunin ng konseho na magkaroon ng kaalaman ang taumbayan kaugnay sa nakamamatay na sakit na Ebola virus.

Ayon kay Cebu City Councilor Sisino Andales, mahalaga na magkaroon ng malinaw na mga stratehiya ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang hindi makapasok sa lungsod ang nakamamatay na sakit.

Ayon sa DOH, wala pa namang kaso ng Ebola na naitatala sa cebu.

Kaugnay nito ay patuloy rin ang kampanya ng DOH sa publiko na panatilihin ang malinis na pangangatawan upang makaiwas sa naturang sakit.

Naipapasa ang sakit na Ebola sa pamamagitan ng direct contact sa dugo o iba pang body fluids mula sa taong infected nito. (Naomi Sorianosos / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481