MANILA, Philippines – Patuloy ang paglilinis ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) sa mga korporasyon na kontrolado ng pamahalaan.
Ayon kay GCG Chairman Cesar Villanueva, ilan sa tuluyan nang binuwag na mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC) ang National Agribusiness Corp. (NABCOR), ZNAC Rubber Estate Corp. (ZREC), at Human Settlements Development Corporation (HSDC).
Ang NABCOR at ZREC ay nasasangkot rin sa pork barrel controversy at kasalukuyan nang pinoproseso ang liquidation nito.
Ayon kay Villanueva, isa lamang ang pagkakasangkot sa pork barrel scam sa mga dahilan kaya binuwag ang mga naturang kumpanya.
“Some of them kahit kumikita in fact when there presented to the president for abolition, PDAF is one of the smallest consideration, kumikita sila pero wala na sa mandate nila.”
Ngayong taon sinimulan ni Pangulong Aquino ang pagbuwag sa ilang GOCCs na hindi nasusunod ang kanilang mga mandato.
Ang iba namang GOCC ay binuwag dahil “duplication” lamang ang trabaho sa ibang kumpanya ng gobyerno.
“Marami sa kanila duplication, di ba may tendencies sa previous na GOCC na gawa ng gawa ng GOCC’s kahit na duplicate para marami per diems,” saad pa ni Villanueva.
Nilinaw naman nito na binigyan ng karampatang separation pay ang mga apektadong empleyado sa mga binuwag na kumpanya.
“Initially pag in-absorbed some of the employees may have be terminated but we give good separation pay and eventually is up mas makakatipid,” saad pa nito. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)