Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Joint resolution para sa hiling na dagdag kapangyarihan ni Pres. Aquino, hindi pa naihahain sa Kongreso

$
0
0

FILE PHOTO: (BERLIN, Germany) President Benigno Aquino III delivers his message during the awarding ceremonies held at the Philippine embassy here on Saturday (September 20). (Photo by Ryan Lim / Malacanang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Wala pang naihahain sa Kongreso na joint resolution ukol sa emergency power ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero, dapat ay may mambabatas na maghain nito upang masimulan na ang pagtalakay ukol sa hiling na dagdag kapangyarihan ng Pangulo bago mag-adjourn ng sesyon ang Kongreso sa September 28.

Sa kasalukuyan ay sulat pa lamang mula sa palasyo ang natatanggap ng Senado at Kamara.

“Kailangan ng draft joint resolution, kailangan may congressman at senador na magfile ng joint resolution na wala pa yatang nagagawa,” anang senador.

Ayon pa kay Escudero, kailangan munang klaruhin ang ilang isyu sa itinuturing na emergency power kung magkano ang gagastusin at ano ang benipisyo nito sa mga consumer.

Nais rin ng senador na malinawan kung bakit kinakailangan ng dagdag kapangyarihan sa Pangulo.

Aniya, “Hindi ba kaya ng private sector, bakit kailangan gobyerno pa gumawa taliwas sa policy ng EPIRA, magkano gastos dyan, sino ba babalikat dyan, ipapasa ba sa consumer yan.”

Dapat rin aniyang matiyak ng pamahalaan na hindi tataas ang singil sa presyo ng kuryente gaya ng nangyari sa mga nakalipas na administrasyon.

Nagtataka naman si Escudero kung bakit noong magkaroon ng power crisis sa Mindanao ay hindi humiling ng dagdag na kapangyarihan para sa Pangulo.

“Bakit nung sa Luzon ang may brownout eh agad-agad may emergency powers na pinanukala,” saad pa nito.

Naniniwala si Senador Escudero na kayang talakayin sa komite ng Senado ang hiling na dagdag kapangyarihan kahit naka-adjourn pa ang sesyon nito. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481