Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

11 patay sa panalasa ng Bagyong Mario — NDRRMC

$
0
0

Ang paglilikas sa mga residente sa Tumana, Marikina City nitong Biyernes sa kasagsagan ng pananalasa ni Bagyong Mario. (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 11 tao ang naitalang patay, habang 12 naman ang sugatan matapos ang pananalasa ng Bagyong Mario sa bansa.

Dalawa rin ang napaulat na nawawala matapos na maanod ng malakas na agos ng tubig.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang ngayong September 22 ay tinatayang aabot sa 258,976 pamilya o katumbas ng 1,160,050 katao ang naapektuhan ng Bagyong Mario.

Nasa 30, 266 pamilya pa rin ang nananatili sa mga evacuation centers.

Bukod dito, nakapagtala din ang NDRRMC ng 19 insidente ng landslides at dalawang maritime incidents.

Sa ngayon ay nasa 18 mga kalsada at 6 na tulay pa rin ang hindi madaanan matapos masira ng bagyo, habang nasa 379 lugar sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang lubog pa rin sa tubig baha.

Dalawang bahay din ang naitalang nasira dahil sa bagyo.

Samantala, tinatayang aabot naman sa P48,476,165 ang halagang nasira ng bagyo sa agrikultura, habang P95,590,000 sa imprastraktura.

Sa ngayon ay nakapamahagi na ang DSWD ng 36, 900 food packs sa mga nasa mga evacuation center sa Region III, IV-A, NCR at Laoag City, Ilocos Norte.

Nakapamahagi na rin ang Department of Health (DOH) ng mga gamot,hygiene kits, kumot, banig at mga first aid kit na nagkakahalaga ng mahigit sa tatlong milyong piso.

Sa kasalukuyan ay apat na lugar ang nasa ilalim pa rin ng state of calamity kabilang na ang Cebu City, Marikina City, Cainta, Rizal at Ilocos Norte.

Ayon kay OCD Public Affairs chief Mina Marasigan, malaki ang naitulong ng kooperasyon ng publiko sa mababang bilang ng casualty sa Bagyong Mario.

“Ang mahalaga dito kasi ay makita ang kahalagahan na magkaroon tayo ng preparedness measures para talaga matugunan ang pagbaba ng casualty count.”

Ayon sa NDRRMC, sa ngayon ay patuloy pa rin ang relief efforts ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan sa mga nasalanta ng Bagyong Mario. (Joan Nano/ Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481