MANILA, Philippines – Umapela ang Malacañang sa publiko na bigyan muna ng pagkakataon si Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima na magpaliwanag sa mga isyung kinakaharap nito na may kaugnayan sa reklamong plunder na isinampa sa Office of the Ombudsman.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, lahat naman ng mga inaakusahan ay dapat bigyan ng pagkakataong depensahan ang kaniyang sarili.
Tiniyak rin ng kalihim na hindi magiging hadlang sa patas na imbestigasyon ang pagiging malapit sa pangulo ng PNP Chief.
Ipapaubaya na lamang ng palasyo ang desisyon kay General Purisima kung kinakailangan itong mag-leave dahil sa kasong kinakaharap nito. (UNTV News)
↧
Malacañang, umapela sa publiko kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng PNP Chief
↧