Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Deployment ban ng mga OFW sa Israel at West Bank, inalis na ng DOLE

$
0
0

Ang ilan sa mga OFW sa NAIA (UNTV News)

MANILA, Philippines – Inalis na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Israel at West Bank.

Kasunod ito ng pagbaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng crisis alert level sa mga nabanggit na lugar, mula sa level 2 o restriction phase pababa sa level 1 o precautionary phase.

Maging ang alert status ng Gaza Strip ay ibinaba na rin sa alert level 2 mula sa alert level 4 o mandatory repatriation.

Subalit ayon sa DOLE, hindi na sila magpoproseso ng mga bagong OFW sa Gaza, kundi ang mga nakauwing OFW dito sa bansa ang papayagang bumalik roon.

Patuloy namang pinapaalalahanan ng pamahalaan ang mga OFW sa mga nabanggit na lugar na magingat at maging alerto. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481