Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

133 Filipino peacekeepers, dumating na sa bansa mula sa Haiti

$
0
0

Ang pagdating ng 133 Filipino UN Peacekeepers na mula sa bansang Haiti. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nakauwi na sa bansa nitong umaga ng Huwebes ang 133 mula sa 157 Filipino peacekeepers na kabilang 17th AFP contingent to Haiti sakay ng chartered flight Russian VIM Airlines.

Kabilang sa mga sumalubong sa mga ito si AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang.

Kasama sa mga dumating ang mga opisyal at tauhan ng Philippine Navy kabilang ang siyam na kababaihan.

Naiwan naman ang 24 sa kanila upang magsagawa ng training at orientation sa mga tauhan ng Phililippine Navy at Marines na umalis noong nakaraang araw.

Ayon kay Philippine Navy Capt. Luzviminda Camacho, ang kauna-unahang babaeng commander na namuno sa misyon sa Haiti, hindi madali ang kaniyang naranasan sa pamumuno sa Philippine contingent.

Aniya, “Malungkot pero masaya na rin kasi ginawa ko yung makakaya ko para ipagmalaki natin ang Pilipinas.”

Sinabi pa nito na sila ang nagsilbing tagabantay sa perimeter ng force headquarters ng UN mission to Haiti at nagbigay ng administrative at logistic clerical services sa force headquarters sa loob ng 11-buwan.

“Being the ambassador for peace doon ay ibinigay namin lahat ng makakaya namin para mag-serve according to the mandated task ng United Nation,” pahayag pa ni Capt. Camacho.

Agad namang idniretso sa V. Luna Hospital ang mga ito para sa mandatory medical check up at quarantine sa loob ng anim na araw.

Noon namang Lunes ay umalis patungong Haiti ang 157 tauhan ng Philippine Navy at Philippine Marines upang pumalit sa mga umuwing peacekeeper. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481