Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Awiting “Hallelujah,” kauna-unahang novelty song na weekly winner ng ASOP TV

$
0
0
Ang nagwaging ASOP Song of the Week na "Hallelujah" sa interpretasyon ni Bayani Agbayani at komposisyon ni Marlon Mendoza. (MARVIN PONGOS / Photoville International)

Ang nagwaging ASOP Song of the Week na “Hallelujah” sa interpretasyon ni Bayani Agbayani at komposisyon ni Marlon Mendoza. (MARVIN PONGOS / Photoville International)

MANILA, Philippines – Hindi inakala ng mga huradong sina Pat Castillo, Ding Mercado at Mon Del Rosario na makakarinig sila ng novelty praise song sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival nitong Linggo, June 09, 2013.

Bago man sa pandinig ay nahirang na song of the week ang “Hallelujah” na likha ng matagal na ring kompositor na si Marlon Mendoza sa interpretasyon ng magaling na komedyanteng si Bayani Agbayani.

Tinalo nito ang mga awiting “Ikaw Lamang Oh Dios” ni Elson Marciano sa interpretasyon ni KA Antonio at “Himig Ng Pagkakaisa” ni Glenn Bawa sa rendisyon naman ni OJ Mariano.

Ayon kay Marlon, naisip niya ang ganitong tema ng papuring awit dahil na rin sa pagsubaybay niya sa ASOP.

“Actually, last year pa ako nanood… Sabi ko something different, kakaiba… gawa kaya ako ng kanta na ‘yun nga.  Iniisip ko nga na kung sinong kakanta, si Bayani kaagad ang nasa isip ko.  Sabi ko, babagay talaga sa kanya dahil sa Otso-Otso, talagang mega hit talaga.”

Pagtatapat naman ni Bayani, maging siya ay ngayon lang nakarinig ng ganitong klase ng awitin.

“Alam mo ngayon lang ako nakarinig, kinikilabutan nga ako.  Sabi ko nga sa kanila, ngayon lang ako nakarinig ng novelty song na nagpapapuri ka sa Panginoong Dios.”

Hanga rin ang komedyante sa pagkakaroon ng ganitong klaseng programa sa telebisyon.

“Alam mo, gusto ko lang batiin ‘yung ASOP.  Ito ‘yung mga show na dapat talagang magtagal at patuloy nating suportahan dahil napakaganda. Pwede mo ‘tong kantahin araw-araw…pagkagising, bago matulog, bago kumain, pagkatapos kumain, kaya napakaganda,” pahayag pa ni Bayani.(Adjes Carreon & Ruth Navales, UNTV News)

(Left-Right) Ang mga naging hurado nitong Linggo na sina Mon Del Rosario, Pat Castillo at Ding Mercado.  (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

(Left-Right) Ang mga naging hurado nitong Linggo na sina Mon Del Rosario, Pat Castillo at Ding Mercado. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481