Mandaue City, Philippines – Sugatan ang isang lalaki matapos tumulong sa pag-apula sa nasusunog na pagawaan ng foam sa Mandaue City sa Cebu, umaga ng Martes.
Ayon sa Cebu City Fire Department, posibleng nag-leak na Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang pinagmulan ng sunog.
Ayon naman sa manager ng Mars Foam Manufacturing Corp na si Violi Lim, possible ring faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.
“Sa tingin ko ang wiring… sabi ng isang tao ko, kasi hindi ko alam na pinutol nila ang wire.”
Tinatayang aabot sa isang milyong piso ang pinsala ng nangyaring sunog. (Naomi Sorianosos & Ruth Navales, UNTV News)