Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

 Umano’y extortion sa pantalan ng Maynila, matagal ng nangyayari — truckers group  

$
0
0

FILE IMAGE: Port of Manila (UNTV News)

MANILA, Philippines — Matagal nang may nangyayaring extortion sa pantalan ng Maynila.

Ito ang tugon ng grupo ng mga trucker matapos ihayag ng Malakanyang na pinaiimbestigahan nito ang mga insidente ng pangingikil sa mga truckers upang makakuha ng pwesto sa loob ng pier para paglagyan ng dalang container van.

Ayon kay Abraham Rebao ng Aduana Business Club Incorporated, lumala lamang ang pangongotong noong nagkaroon na ng congestion sa pier.

Ani Rebao, “Ang dati kung tawagin namin piso piso lang ‘yan, piso piso lang. Ngayon na nagkaroon ng port congestion tumaas ang presyo nila. Kaming trucking para lang makapagsauli ng empty kakagatin namin yung gusto nila na halimbawa sasabihin nila may slot pa dito magbibigay kami ng P1,500, P2,000 at the highest P3,000 para lang makapagsauli ng empty.”

Dagdag pa ni Rebao, kabilang sa mga istilo ng pananamantala na nangyayari sa Manila Port ay ang pagpabor sa mga trucking na may maraming kliyente.

Samantala, iginigiit din ng grupo at ng mga broker na hindi akmang solusyon ang paniningil ng pamahalaan ng mas mataas na storage fee sa mga importer upang mapaluwag ang pier.

Ngayong Huwebes, sinimulan na ang pagkolekta ng 5,000 piso mula sa dating 500 pisong storage fee sa kada container upang mapwersa ang mga importer na kuhain ang kanilang kargamento.

Ayon sa grupo, ang dapat aksyunan ng pamahalaan ay ang problema sa tambak na empty containers sa pier na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit congested ang pantalan kahit inalis na ang truck ban sa Maynila.

Pahayag ni Rey Soliman, ABCI EVP, “Bakit hindi natin tingnan kung sino ang may kagagawan ng port congestion. Itong mga shipping lines ang kanilang mga empty containers na palagi nating pinananawagan na ilabas ibalik sa port of origin magkaroon ng espasyo ang port.”

Sa ulat ng cabinet cluster on port congestion, bahagya ng gumanda ang sitwasyon sa pantalan matapos suspendihin ng Manila City Hall ang pagpapatupad ng daytime truck ban.

Ngunit ayon sa CCPC, sinisikap pa nilang mapababa sa 80% ang yard utilization na 64,800 containers lamang ang dapat nasa pier upang maging maluwag ang pantalan nagbabala naman ang Manila City Government na maari nilang ibalik anumang oras ang daytime truck ban kung magiging malala ang problema sa trapiko sa Maynila.

Pahayag ni Mayor Joseph Estrada, “Experimental lang yan. 2 months magulo na naman ang traffic. Ibabalik ko yan, nobody can stop me.”  (VICTOR COSARE / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481