Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Operasyon ng MRT, naantala ng mahigit isang oras dahil sa nagka-bitak na riles 

$
0
0

FILE PHOTO: MRT train on hold (UNTV News)

MANILA, Philippines — Halos isang oras naantala ang operasyon ng MRT 3 pasado alas syete nitong umaga ng Lunes nang matuklasan ng signaling system ng MRT na mayroong bitak sa riles ng tren malapit sa Boni Station.

Agad namang ipinahinto ang operasyon ng MRT mula sa Shaw Blvd. hanggang sa Taft northbound at southbound dahil lubhang delikado na madaanan ng tren ang riles na may bitak.

Agad namang pinuntahan ng maintenance provider ang riles na may bitak upang ayusin, pasado alas otso na ng maibalik sa operasyon ang buong kahabaan ng mrt matapos itong malagyan ng fish plate at c-clamp na ayon sa mrt ay pansamantalang lunas lamang.

Mula ng maitayo ang mrt ay hindi pa umano napalitan ang mga riles ng MRT 3.

Ayon sa pamunuan ng MRT, inako na ng Department of Transportation and Communication ang obligasyon na bumili ng mga bagong riles kahit ito ay obligasyon ng MRT Holdings at ng Global Apt na siyang maintenance provider.

“Kami na gagawin na namin for the sake of the mananakay. So all this things ginagawa natin for the welfare of the passengers,” pahayag ni MRT Spokesperson Atty. Hernan Cabrera.

Ngayong taon ay mabibili na ang mga riles at mapapalitan na ang mga may bitak at sirang riles sa susunod na taon.

“Dapat na siyang palitan. Ibig sabihin hindi na siya tumtugma doon sa requirement ng ating riles para sa operations,” ani Dir. Renato San Jose, MRT 3 OIC.

Inamin naman ng maintenance provider ng MRT na Global Apt na hindi sila nakabili ng riles dahil sa hindi kakayanin ng panahon lalo na at patapos na rin ang kanilang kontrata lalo na at limang daang piraso ng riles ang minimum na kailangang mabili sa supplier.

Samantala, pinirmahan na kanina ang 65 billion na kontrata para sa itatayong LRT Line 1 Extension Project, ito ay karagdagang 11 kilometers mula sa LRT-Taft Station sa Pasay hanggang sa Cavite.

Inaasahan na makakapag dagdag ito ng walong daang libong pasahero sa carrying capacity ng LRT Line 1.

Eleven pesos pa rin ang magiging pasahe sa LRT at dagdag na piso kada kilometro.

Tinataya na bago matapos ang taong 2016 ay matatapos na ang konstruksyon at inaasahang makatutulong sa mga commuter mula sa Southern Luzon. (MON JOCSON / UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481