Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pangulong Aquino, tiwala pa rin kay PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno S. Aquino III at 113th Police Service Anniversary at the PNP Multi-Purpose Center, Camp Crame in Quezon City on Friday (August 08, 2014). Also in photo are Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas II and PNP Chief Director General Alan Purisima. (Photo by Gil Nartea / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Naninindigan pa rin ang Malakanyang na nananatili ang tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III kay Philippine National Police Chief Director General Alan Purisima sa kabila ng mga isyung ipinupukol sa kanya.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr., bago humarap sa imbestigasyon ang PNP Chief ay pinayuhan na ito ni Pangulong Aquino na kailangang maging maliwanag sa publiko ang mga isyung kinasasangkutan niya.

“Doon naman sa kanilang pagtatalakayan siyempre sinabi lang naman ng Pangulo sa kaniya na kinakailangang ibunyag niya ang buong katotohanan hinggil sa mga usapin na naiharap lalong-lalo na patungkol sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Networth.”

Magugunitang ilan sa mga kinuwestyon ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero Jr. ay ang pagtanggap ng donasyon ng heneral para sa ipinagawang bagong white house sa Camp Crame sa Quezon City.

Maging ang isyu sa pagbili ni Purisima ng Land Cruiser na nagkakahalaga lamang ng P1.5 million batay sa idineklara nito sa kanyang SALN.

Pahayag naman ng Malakanyang, ang matinding batikos na ibinabato ngayon sa hepe ng pambansang pulisya ay posibleng nanggagaling sa masasamang elemento.

“Sa kaniyang panunungkulan hinarap ni heneral Purisima ang maraming hamon bunga ng pagkakaroon ng mga tiwaling elemento sa pambansang pulisya at hindi maikakaila na ito ang pinagmumulan ng matinding pagbatikos laban sa kaniya,” saad pa ni Coloma. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481