Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga lugar sa paligid ng Bulkan Mayon, permanente nang isasara sa mga residente

$
0
0

October 03, 2014 FILE PHOTO: Mayon Volcano (Alan Manansala / Photoville International)

LEGAZPI CITY, Philippines – Permanente nang isasara sa mga residente ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang mga lugar na sakop ng six-kilometer danger zone sa paligid ng Bulkang Mayon.

Kaninang umaga ay limang residente ang nahuli ng Philippine Army na bumalik sa kanilang bahay sa bayan ng Sto. Domingo na nasa paanan ng bulkan.

Ayon sa mga ito, gusto lamang nilang kunin ang mga ginawa nilang uling at kopra na siyang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.

Pinayagan naman sila ng mga militar ngunit pinayuhan na huwag nang babalik sa lugar dahil sa banta ng pagsabog ng bulkan.

Kasunod nito, magpapatupad ng no entry, no electricity, no water, no human activity beyond six-kilometer danger zone ang lokal na pamahalaan ng Albay.

Ayon kay Governor Joey Salceda, permanente na nilang isasara ang mga lugar na sakop ng six-kilometer danger zone sa paligid ng Bulkang Mayon kapag natapos na ang pagtatayo ng mga palikuran sa mga evacuation center.

Isa ang kakulangan ng maayos na palikuran sa mga inirereklamo ng mga evacuee kaya hindi mapigilang bumalik sa kanilang mga tahahan.

Tinatayang nasa 327 na mga comfort rooms ang planong itayo ng lokal na pamahalaan ng Albay.

Ayon kay Governor Salceda, limang kilong bigas rin kada araw ang ibinibigay sa mga evacuee upang hindi magutom ang mga ito.

Ayon sa Albay Public Safety and Emergency Management Office, mayroon nang itatalagang relocation site para sa mga residente sa bawat munisipalidad na nakatira sa loob ng six-kilometer danger zone.

Inihahanda na nila ang mga ito upang malipatan ng mga residente sa oras na kumalma ang bulkan.

Sa kasalukuyan ay nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers ang mahigit tatlong daang senior citizens, 643 person with disability (PWD’s), 497 na mga buntis at 187 na mga nagpapasuso, bukod pa sa 32-libong mga estudyante.

Samantala, ayon sa PHIVOLCS nakapagtala ang Bulkang Mayon ng 2 rock fall events, 3 volcanic quakes at sulfur dioxide emission sa nakalipas na 24 oras. (Gerry Galicia / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481