Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga senador na madalas absent sa sesyon, dapat sitahin ng taumbayan — Sen. Sotto

$
0
0
Senator Vicente Sotto III FILE PHOTO. (UNTV News)

Senator Vicente Sotto III FILE PHOTO. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Tatlong beses lang sa loob ng isang linggo ang sesyon ng senado, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin regular na pumapasok ang ibang senador.

Batay sa journal ng Senado, perfect attendance sa sesyon sina acting Senate President Jinggoy Estrada at Senator Vicente Sotto III sa nakalipas na 15th Congress.

Dalawang araw naman ang absent ni dating senate president Juan Ponce-Enrile at bihira lang ding lumiban sina Senators Joker Arroyo at Gringo Honasan.

Si Senadora Miriam Defensor-Santiago ang may pinakamaraming absent na laging naka-leave dahil sa kanyang sakit.

Nangunguna naman sa palaging late pumasok si Senador Serge Osmeña III, na sinundan nina Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Ralph Recto, Manny Villar, at Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Senador Tito Sotto, dapat sitahin ng taumbayan ang mga senador o mambabatas na laging absent sa sesyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso.

Ang pagliban sa sesyon ng mga senador aniya ang isa sa malaking dahilan kaya naantala o hindi naipapasa ang isang panukalang batas.

“Sitahin ng taumbayan yun ang pinaka-maganda siguro, there are many ways of airing the sentiments of our people, maraming paraan para makarating sa amin ang mga sinasabi at hinaing,” pahayag ni Sotto.

Pabor naman si Pangulong Benigno Aquino III sa suhestyon ni dating majority leader Sen. Tito Sotto na magkaroon ng quarterly Legislative Executive Advisory Council (LEDAC) meeting.

Ayon sa pangulo, iginagalang ng executive department ang mungkahi ng co-equal branch nito.

Importante pa rin umano na magkaroon ng maayos na koordinasyon ang dalawang sangay ng pamahalaan upang mas mapalawig ang legislative agenda sa susunod na kongreso. (Bryan De Paz & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.