MANILA, Philippines — Kasunod ng paglabas ng bagyong Dante sa Philippine area of responsibility (PAR), isa na namang low pressure area (LPA) ang inaasahang mabubuo sa West Philippine Sea ngayong araw.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy na nilang binabantayan ang nagbabantang sama ng panahon at ang magiging epekto nito sa bansa.
Sakaling maging ganap na bagyo, papangalanan itong “Emong” na posibleng makaapekto sa buong Luzon.
Ngayong buwan ng Hunyo, dalawa hanggang tatlong bagyo pa ang inaasahang papasok sa bansa. (UNTV News)