MANILA, Philippines – Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima ng banggaan ng tricycle at truck sa Barangay Sto. Rosario, Sta. Rosa, Nueva Ecija, pasado alas-11 kagabi, Martes.
Dahil sa lakas ng impact ng banggan, nagkayupi-yupi ang tricycle na sinasakyan ng tatlong magpipinsan na kinilalang sina Edwin Domingo, 18 anyos; Aries Ripa, 15 anyos; at Rodel Sto. Domingo, 21 anyos, kapwa residente ng Barangay Sto. Rosario.
Dead on the spot naman ang dalawang pinsan ni Edwin na sina Aries at Rodel.
Agad namang tinulungan at nilapan ng first aide ng UNTV News and Rescue Team si Edwin Domingo.
Ayon sa mag-asawang Rosie at Sergio Francisco na nakakita sa pangyayari, paliko-liko umano ang takbo ng tricycle nang makasalubong nito ang truck.
“Nasusundan naming paliko-liko, sabi ng mister ko mababangga yan eh huwag mong itutok itong motor natin eka ko, napakatulin ng tabko nila eh paekis-ekis yan,” saad ni Rosie.
“Sa tanaw ko yung truck umiiwas eh sila ang kumuwan sa truck eh sa pagkakita ko eh hanggang dun lang,” pahayag naman ni Sergio Francisco.
Ayon sa driver ng truck na si Dario Labaora, pinilit niyang iwasan ang tricycle ngunit bumangga pa rin ito sa harapan ng minamanehong truck.
“Mabagal lang po yung takbo ko, katamtaman lang po yung truck eh kahit anong iwas ang gawin ko eh sila ang sumalubong sa amin kaya wala na po ako nagawa.”
Samantala, kasalukuyan namang nagpapagaling si Edwin Domingo sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research sa Cabanatuan City. (Grace Doctolero / Ruth Navales, UNTV News)