MANILA, Philippines – Nakaalis na ngayong hapon ng Huwebes si Pangulong Benigno Aquino III patungong Bali, Indonesia upang dumalo sa 7th Bali Democracy Forum na gaganapin bukas, Biyernes (Oktubre 10).
Ang tema ng international forum na ito ay “Regional Development in the Democratic Architecture: Dynamics of Political Development, Social-Economic Progress and Public Participation in the Democratic Process.”
Ang naturang forum ay inisyatibo ni Indonesian President Susilo Bambang Yudhono mula pa noong 2008 kung saan tinatalakay ang mga paraan kung paano pa madi-develop ang demokrasya sa ASIA Pacific.
Ilang world leaders rin ang inaasahang dadalo sa democracy forum, kabilang na sina Timor Leste Prime Minister Xanana Gusmao, at Brunei Sultan Hassanal Bolkiah.
Pagkatapos ng pagbisita ng pangulo sa Indonesia, dalawang foreign trips ang nakatakdang daluhan ni Pangulong Aquino ngayong taon, kabilang dito ang APEC Economic Leaders Meeting sa Beijing, China mula November 10 hanggang Nov. 11, kasunod ang 25th ASEAN Summit na gaganapin sa Myanmar mula November 12 hanggang Nov. 13, 2014. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)