MANILA, Philippines – Magsasagawa ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng isang Evacuation and Disaster Management Summit.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Major Rey Balido Jr., tatalakayin ng ahensya sa mga alkalde at gobernador ang hazard map para sa paghahanda kapag may mga kalamidad.
Pag-uusapan din sa summit ang mga papel na gagampanan ng bawat lokal na opisyal upang makamit ang target na zero casualty kapag may sakuna.
Posibleng simulan ang nasabing summit kapag nakapanumpa na sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal sa bawat lalawigan. (UNTV News)