Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dr. Nathaniel Servando, pinangangambahang mag-resign na rin bilang PAGASA Administrator

$
0
0
PAGASA Administrator Dr. Nathaniel Servando. FILE PHOTO. (UNTV News)

PAGASA Administrator Dr. Nathaniel Servando. FILE PHOTO. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Pinangangambahang tuluyan nang mag-resign ang administrador ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na si Dr. Nathaniel Servando na limang buwan nang naka-leave sa trabaho.

Ayon kay PAGASA Weatherman Employees Association President Mon Agustin, nag-file ng leave si Servando mula Pebrero hanggang Agosto ngayong taon.

Gayunman, hindi nila matiyak kung babalik pa ito sa ahensya matapos nilang makumpirma na nagtuturo na sa isang unibersidad sa Qatar si Servando.

“Hindi natin alam kung before August eh babalik si Dr. Servando for PAGASA again or otherwise, kasi its his personal decision di natin alam ang kanyang binabalak.”

Ayon kay Agustin, malaking kawalan sa ahensya kung magbibitiw si Servando katulad ng dalawang naunang administrador na sina Dr. Nathaniel Cruz at si Dr. Nilo Prisco na ngayo’y nagta-trabaho na sa Australia.

“Malaking kawalan kasi madaling makipag-negotiate kay Dr. Servando eh wala kaming hiniling na kapakanan na di nya binigay,” dagdag pa ni Agustin.

Sa ngayon, tumatayong officer-in-charge ng PAGASA si Dr. Vicente Malano. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481