Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga Pinoy sa California at New York, nakiisa sa selebrasyon ng ika-115 Philippine Independence

$
0
0
Matiyagang nahintay ang ating mga kababayan sa Manhattan, New York upang salubungin ang parada kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. (ERNESTO PAPAS FERNANDEZ JR. / Photoville International)

Matiyagang nahintay ang ating mga kababayan sa Manhattan, New York upang salubungin ang parada kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. (ERNESTO PAPAS FERNANDEZ Jr. / Photoville International)

NEW YORK,  USA – Nagsagawa ng parada ang Filipino community sa southern California sa pagdiriwang ng ika-115 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas.

Tinawag ng mga kababayan natin doon ang selebrasyon na “Kalayaan 2013” na naglalayong maipamalas ang pagkaka-isa at pagtutulungan ng mga Pilipino sa Amerika.

“We are very happy because we never expected it to be of this big, we thought only few organizations will participate, we thought our capacity to organize these things would only be modest but somewhere along the way the quality, the quantity of participation is no bold,” masayang pahayag ni Danny Espiritu, Deputy General, Philippine Consulate.

Tampok sa pagdiriwang sa California ang mga pop entertainment at cultural presentation na pinangunahan ng Aliwan awardee Dinagyang Street Dancers na nagmula pa sa Iloilo.

Isang parada rin ang ginawa ng Filipino-American community sa bahagi naman ng Manhattan, New York kung saan ipinakita ang makukulay na kulturang Pinoy.

Ilang Amerikano rin ang nakisaya sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day sa New York, at nagsabing naramdaman nila ang Filipino hospitality sa isinagawang parada.

Kaalinsabay ng pagdiriwang ng araw ng kasarinlan ay ang panawagan ng Department of Tourism (DOT) sa mga Filipino-American at Fil-Canadian na maging kabahagi para i-promote ang ating bansa.

“We’re appealing to them na sana’y maging volunteers sila or marketers for Philippine Tourism para po maengganyo natin lalo na yung mga kababayan nating hindi na nakakauwi ng Pilipinas to come & visit the Philippines really has it lahat pong magagandang tanawin,masasayang activities nasa Pilipinas,” pahayag ni Hernandez Nervadez, Departnment of Tourism. (Christie Rosacia, Sonny Cos & Ruth Navales, UNTV News)

(L-R) Kabilang sa mga personalidad na sumama sa parada ay sina Filipina US Judge Lorna Schofield,  Consul General Mario de Leon Jr., Senator Chiz Escudero kasama ang kanyang kasintahang aktres na si Heart Evangelista at si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla. (ERNESTO PAPAS FERNANDEZ Jr. / Photoville International)

(L-R) Kabilang sa mga personalidad na sumama sa parada ay sina Filipina US Judge Lorna Schofield, Consul General Mario de Leon Jr., Senator Chiz Escudero kasama ang kanyang kasintahang aktres na si Heart Evangelista at si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla. (ERNESTO PAPAS FERNANDEZ Jr. / Photoville International)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481