Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

5 Unibersidad sa Pilipinas, kabilang sa Top 300 Asian Schools

$
0
0
FILE PHOTO: Ang UST ay isa sa 5 paaralan sa bansa na nakapasok sa Top 300 Asian Schools batay sa pagtatala ng Quacquarelli Symonds.   (SOPHIYA BALUYOT /  Photoville International)

FILE PHOTO: Ang UST ay isa sa 5 paaralan sa bansa na nakapasok sa Top 300 Asian Schools batay sa pagtatala ng Quacquarelli Symonds. (SOPHIYA BALUYOT / Photoville International)

MANILA, Philippines — Muling nakapasok ang limang unibersidad mula sa Pilipinas sa Top 300 Asian Universities ngayong taon.

Batay sa listahan ng London-based education and career network Quacquarelli Symonds, kabilang sa mga ito ang University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City na nasa ika-67 pwesto.

Kabilang rin ang Ateneo De Manila University (ADMU) na nasa ika-109 pwesto; University Of Santo Tomas (UST), De La Salle University (DLSU) at ang University of Southeastern Philippines.

Nanguna naman sa listahan ng Top University ang Hong Kong University of Science and Technology sa tatlong magkakasunod na taon.

Pangalawa ang National University of Singapore, University of Hong Kong, National University of South Korea, Peking University sa China at Korea Advanced Institute of Science and Technology.

Ang paghahanay sa mga unibersidad ay batay sa academic and employer reputation, dami ng populasyon ng mga guro at naka-enrol na local at international students. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481