Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Resulta ng imbestigasyon sa sumadsad na Cebu Pacific carrier, ilalabas sa susunod na linggo

$
0
0
FILE PHOTO: Ang sumadsad na Cebu Pacific Flight 5J971 sa Davao International Airport. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang sumadsad na Cebu Pacific Flight 5J971 sa Davao International Airport. (RITCHIE TONGO / Photoville International)

MANILA, Philippines — Tapos nang suriin sa Singapore ang flight data recorder ng Cebu Pacific Flight 5J971 na sumadsad sa runway ng Davao International Airport noong nakaraang linggo.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), posibleng maibalik na sa bansa ngayong araw ang nasabing recorder mula sa Singapore subalit hindi pa nila agad mailalabas ang resulta ng pagsusuri.

Sa pagtaya ng CAAP, posibleng maisapubliko ang ulat sa susunod na linggo.

Tiwala naman ang CAAP na susuportahan ng resulta ng pagsusuri sa Singapore ang kanilang initial findings na pilot error ang dahilan ng aksidente batay na rin sa kanilang nakuhang mga ebidensya. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481