Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagsusumite ng expenditure report ng mga kumandidato, hanggang ngayong araw na lang

$
0
0

Comelec Logo (UNTV News)

Comelec Logo (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hanggang ngayong araw na lang, June 13, ang itinakdang deadline ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kumandidato para mag-sumite ng statement of contributions and expenditures sa nakalipas na halalan.

No extension ang policy ng COMELEC kaya’t paalala nito sa mga kumandidato na isumite ang lahat ng ginastos sa pangangampanya sa loob ng 30-araw makalipas ang eleksyon.

Babala ng komisyon, mas mahigpit ngayon ang pagpapatupad nila sa batas dahil sa binuong campaign finance unit.

Ang mga mabibigong magsumite ng election expenses ay hindi pauupuin sa puwesto sa June-30, at kung nakaupo na ang nanalong kandidato ay masusi pa rin itong i-o-audit ng komisyon.

Batay sa COMELEC resolution 9476, posibleng hindi na payagang makatakbo pa sa mga susunod na eleksyon ang mga hindi naghain ng expenditure report sa mga nakalipas na eleksyon. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481