Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

16 patay sa pagbagsak ng ventilation shaft sa isang K-pop concert

$
0
0

Police officials examine the scene of an accident at a shopping district in Seongnam October 17, 2014. CREDIT: REUTERS/KIM HONG-JI

SEOUL, South Korea – Personal na dumalaw si South Korean Prime Minister Chung Hong-Won sa bayan ng Seongnam kung saan naganap ang trahedya sa isang K-pop concert na ikinasawi ng may labinganim katao.

Ayon sa ulat, 27 tao ang kasamang bumagsak nang bumigay ang tinutungtungan nilang ventilation system habang nanonood ng concert ng paborito nilang K-pop group.

Sampung metro ang taas nito mula sa lupa at batay sa nakuhang video ng Gyeonggi Fire Station sa aktuwal na eksena, makikita ang mga biktimang sugatan matapos bumagsak ang ventilation shaft.

Labing-anim ang agad nasawi sa insidente habang labing-isa naman ang nasa malubhang kalagayan.

Samantala, nakitang patay sa kalsada malapit sa kaniyang opisina ang in-charge sa safety planning ng naturang concert na nakilala sa apelyidong “Oh” na umano’y tumalon mula sa ikasampung palapag ng gusali.

Nakita ang isang suicide note mula kay Oh na humihingi ng paumanhin sa mga biktima at sa kaniyang pamilya.

Tinatayang nasa pitong daang tao ang dumalo sa concert ng grupong 4Minute kung saan special performer ang singer/dancer na si Hyuna, na nakilala sa dance craze na Gangnam Style ng sikat na Korean rapper na si Psy. (Eric Ferrer / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481