MANILA, Philippines — Kasabay ng pag-gunita sa Araw ng Kalayaan kahapon (Hunyo 12), natapos naman hating-gabi kagabi ang pagpapatupad ng election gun ban.
Ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr. kabuoang 3,684 indibidwal ang nahuli ng mga awtoridad sa buong bansa simula Enero 13 hanggang Hunyo 11.
Sa naturang bilang, 3,398 dito ay sibilyan, 43 government employees, 4 jail personnel, 1 fireman, 7 law enforcement officers, at 4 CAFGU members.
As of June 11, umabot na sa 3,578 mga baril ang nakumpiska ng PNP, 1,080 bladed weapons, 239 granada at 515 mga pampasabog.
Mahigit sa dalawang libong reklamo naman ang naisampa ng pulisya subalit dalawang 207 pa lamang ang nasa korte dahil patuloy pa nilang iniimbestigahan ang iba pang kaso.
Nagbabala naman ang PNP na bagama’t tapos na ang gun ban ay hindi ito nangangahulugang maaari nang magdala ng baril.
Ayon kay Cerbo, kapag walang PTCFOR ay hindi maaaring bitbitin ng mga gun holder sa labas ng bahay ang kanilang baril.
“Tuloy ang campaign on loose firearms not just related sa election but for anti-criminality campaign,” ani Cerbo. (Victor Cosare & Ruth Navales, UNTV News)