Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Dismissal kay Sandiganbayan Justice Gregory Ong, pinagtibay ng Korte Suprema

$
0
0

FILE PHOTO: Supreme Court en Banc (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagkakatanggal sa pwesto kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong.

Ito’y matapos ibasura ng kataas-taasang hukuman ang motion for reconsideration ni Ong sa desisyon ng Supreme Court nitong September 23 na nagpataw sa kanya ng dismissal from the service.

Tinanggal sa pwesto si Ong dahil sa pakikipag-ugnayan nito kay Janet Lim Napoles na itinuturong utak ng bilyun-bilyong pisong pork barrel scam.

Hindi naman napatunayan sa isinagawang imbestigasyon ng Korte Suprema na tumanggap ng suhol si Ong mula kay Napoles upang madismiss ang kaso nito kaugnay ng anomalya sa pagbili ng Kevlar helmets ng Philippine Marines.

“The Court denied the respondent’s October 13, 2014 motion for reconsideration of its September 23, 2014 decision for lack of merit,” pahayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Theodore Te. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481