Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pangulong Aquino, itinanggi na nag-alok ng tulong kay VP Binay

$
0
0

FILE PHOTO: Si Vice President Jejomar Binay at si President Benigno S. Aquino III sa kanilang pagdalo Joint Philippine Economic Briefing and Regional Development Council Meeting sa Cagayan de Oro City noong March 23, 2011. (Photo By Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Nilinaw ngayon ni Pangulong Benigno Aquino III na hindi siya nag-alok ng tulong kay Vice President Jejomar Binay sa mga isyung kinakaharap nito ngayon.

Sinabi ng Pangulo na tanging puro payo ang hiningi ng Pangalawang Pangulo sa kanya nang magkausap sila noong Oktubre 14.

“On the person who did what I guest with all due respect with the spokesperson, I think he had it reverse, he had it reverse…”

“Baka naman the reverse is actually true the vice president was saying he asking advice on what to do so I don’t offer help, he ask for advice on what how to handle the situation amongst other,” saad nito.

Ayon pa sa Pangulo, si VP Binay ang nakipag-ugnayan sa kaniya.

“It was the vice president to actually initiated the meeting, he texted me and ask if he can see me and I said yes.”

Sinabi ng Pangulo, ilan sa inilapit ni Binay ay ang ginagawang imbestigasyon ng senado sa overpriced Makati City Hall Building 2.

Sinabi umano sa kanya nito na sa normal na proseso ng batas ay ang Office of the Ombudsman ang dapat na mag-imbestiga at hindi ang Senado.

Sa kabila ng mga isyung pulitikal na kinakaharap ng dalawang lider ng bansa, inihayag ni Pangulong Aquino na nananatili ang pagkakaibigan nila ng Bise Presidente.

“Tanggap ko na magkaiba tayo sa pulitika, pero magkaibigan tayo,” saad pa ni Pangulong Aquino. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481