Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

PFC Joseph Scott Pemberton, pansamantalang naka-detain sa Camp Aguinaldo

$
0
0

Ang pagdating sa Camp Aguinaldo ni U.S. Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton upang mai-detena habang dinidinig ang kaso nito kaugnay ng pagkamatay ng Filipino transgender na si Jennifer Laude. (IMAGE CREDITS: Armed Forces of the Philippines)

MANILA, Philippines – Dinala na sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Headquarters sa Camp Aguinaldo nitong umaga ng Miyerkules ang suspek sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude na si U.S. Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Mula sa Olongapo, kasama niyang dumating sa kampo sakay ng helicopter ang ilang kapwa Amerikanong sundalo.

Sinalubong sila ng AFP officials at saka inilagak sa isang 20-foot container van sa loob ng kampo na lalagyan ng mga rehas o iron bars.

“He will be detained at the Mutual Defense Board Security Engagement Facility inside the camp while the preliminary investigation is ongoing,” pahayag ni AFP Chief of Staff, Gen. Gregorio Pio Catapang.

“He will be sleeping in a military-type camp bed with an air-conditioned system,” dagdag pa nito.

Magkatuwang namang babantayan si Pemberton ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo.

Ayon kay Catapang, ang desisyon na maditene sa Camp Aguinaldo si Pemberton ay napagkasunduan ng Pilipinas at Amerika.

“Technically, he is in our camp, he is being guarded by our soldiers…”

Binanggit din nito na kapwa mga sundalong Amerikano at Pilipino ang nagbabantay sa nakaditeneng U.S. marine.

“Ang mangyayari kasi inside the container van, there will be one US soldier and then, otuside the container van, there will be another US soldier and then…rolling gate put aide there will be two rolling MP (military police)…”

Mananatili si Pemberton sa Camp Aguinaldo hanggang sa isinasagawa ang preliminary investigation sa kanyang kaso.

“I think while undergoing the preliminary investigation, he will be hold here,” saad pa ni Catapang.

Ngunit oras na maisampa na ang kaso ay ipauubaya na ng AFP sa korte kung ililipat ng detention facility ang nasabing US marine.

Tiniyak naman ni Pangulong Aquino na hindi mabibigyan ng special treatment si Pemberton, at magiging patas ang pagtrato sa kanya habang nasa pangangalaga ng AFP. (Rosalie Coz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481