MANILA, Philippines – Binuweltahan ni Vice President Jejomar Binay ang aniya’y mala sarswelang pagdinig ng senado sa umano’y overpriced Makati City Hall Parking Building II.
Ayon sa Bise Presidente, “The irony is the senate zarzuela is staged by in less than those who failed their duty to ease the hardships that our people are suffering. What for to boost themselves to power at the coming 2016 national election at our expense. I have brought this attack to myself because I declare to run for presidency early.”
Pinasaringan din nito ang administrasyon sa mga problemang kailangang bigyan ng atensyon tulad ng tumataas na insidente ng kriminalidad, nakaambang power crisis, mabigat na traffic at ang problema sa mass transport.
“The brakes MRT fail doors fall and signal system dangerously. And airport continuously to be ranked worst.”
Nanindigan ang bise presidente na handa niyang harapin sa korte ang mga umano’y katiwaliang ipinupukol sa kanya at hindi sa kangaroo court tulad ng Senado.
Kasabay nito ay muling hinamon ni Binay sa isang debate si Senator Antonio Trillanes IV na miyembro ng komiteng dumidinig sa umano’y overpriced Makati building.
“One on one kasi siya gumawa ng resolution siya…”
“We ask Senator Trillanes in a debate he better have the documents ready full proof, irrefutable ang evidence otherwise he is not immune from suit pwede siya kasuhan for libelous act,” saad naman ni Gov. Jonvic Remulla, tagapagsalita ni Binay.
Ayon pa sa kanya, uunahin muna nila ang debate saka nila pag-iisipan kung tatanggapin ang imbitasyon na humarap sa Senate Blue Ribbon Committee. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)