Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pag-upa ng generator sets, hindi na opsyon upang tugunan ang nakaambang power shortage sa 2015

$
0
0

President Benigno S. Aquino III answers questions during the annual Presidential Forum of the Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) at the Marco Polo Ortigas in Pasig City on Wednesday(October 22). The FOCAP forum is a traditional event where the President discusses key policies and answers questions on foreign affairs, politics, the economy and social issues from the foreign media. (Photo by Gil Nartea / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Aabot ng mahigit dalawampung bilyong piso ang maaaring maging economic lost sa summer ng 2015 kung hindi matutugunan ang nakaambang power shortage sa 2015.

Batay sa ulat ni Pangulong Benigno Aquino III, kung magkakaroon ng brownout na dalawang oras kada araw sa loob ng tatlong buwan, aabot ng P9 billion hanggang P23.3 billion ang mawawala sa ekonomiya ng Pilipinas.

Kaya ayon sa pangulo, mahalaga ang hinihiling niyang dagdag kapangyarihan sa kongreso upang makapangontrata ang pamahalaan ng dagdag na generating capacity sa summer ng susunod na taon.

“If there’s no power come on summer months there will be only party that only be made that is the executive, so were asking from them various powers not emergency.”

Ayon pa sa pangulo, isa sa mga pinaplano ng pamahalaan na maging substitute ang Interruptible Load Program o ILP bilang pantakip sa magiging kakulangan ng supply ng kuryente.

Isinantabi na ng pamahalaan ang opsyon na pagupa ng mga generator set.

“The bottom-line is one of the options to rent generators for about 2 years is no longer an option. It takes them 6 months to set it up,” pahayag pa ng Punong Ehekutibo.

Sa ngayon ay patuloy na pinag-aaralan ng pamahalaan ang iba pang hakbang upang mapaghandaan ang posibleng pagnipis sa supply ng kuryente pagdating ng 2015.

Ayon sa Pangulo, isa sa mga ikonokonsidera niya ay ang pag-aaral kung maaaring ma-i-convert sa gas power plant ang Bataan Nuclear Power Plant. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481