MANILA, Philippines – Sinampahan ng tax evasion complaint ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang gold mining corporation sa Zamboanga City dahil sa hindi pagdedeklara ng totoong income para sa mga taong 2010 at 2011.
Base sa datos ng BIR, P52.6 million na buwis ang dapat bayaran ng Siennalyn Gold Mining Corporation na nabigyan ng karapatang magmina ng ginto sa Zamboanga Peninsula.
Samantala, tatlong tax evasion complaints pa ang kasabay na isinampa ng BIR sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw ng Huwebes.
Kabilang sa mga kinasuhan ang importer ng mga kemikal sa Quezon City na si Emerson Tolentino Magdaeno na may deficiency tax liability na P122.9 million, kinasuhan rin si Rosario G. Pabalan mula sa Tagapo, Sta. Rosa, Laguna dahil sa deficiency tax liability na P15.51 million, at Vicest (Philippines), Inc. na may deficiency tax liability na umabot sa P32.03 million. (UNTV News)