Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

P-Noy, hindi personal na nakipagugnayan sa Estados Unidos kaugnay sa isyu ng kustodiya ni Pemberton — Malacañang

$
0
0

FILE PHOTO: President Benigno S. Aquino III greets GMR Group of Companies chairman Mr. G. M. Rao during the courtesy call at the Music Room of the Malacañan Palace on Thursday (October 23). (Photo by Benhur Arcayan / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na walang ginawang direktang pakikipagusap o pakikipagkasundo si Pangulong Benigno Aquino III sa ilang United States officials upang ma-pressure at mailipat sa kustodiya ng Pilipinas ang U.S. Marine.

“Batid naman natin kung sino ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at ng iba pang ahensya, ang pangulo ay chief executive siguro naman kikilalanin natin na hindi naman kailangang siya mismo ang maging involve sa bawat kilos,” paliwanag ni Communications Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr.

Kaugnay nito, ipinauubaya na rin ng palasyo sa pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang gagawing aksyon sa German national na si Marc Susselbeck, ang fiancé ng transgender na si Jeffery alyas “Jennifer” Laude sa ginawang pagakyat nito sa perimeter fence sa loob ng Camp Aguinaldo nitong Miyerkules.

“Ipaubaya na lang natin sa mga otoridad ng AFP dahil sila naman ang mayroon mangasiwa doon sa pasilidad na yun, sila ang may tuwirang kinalaman sa naganap,” ani Coloma.

Ito ang tugon ng Malacañang sa mga ulat na may nalabag sa batas ng Pilipinas ang German national at nararapat na ipa-deport kaagad.

Humingi naman ng pangunawa ang Malacañang sa hindi pagdalaw ni Pangulong Aquino sa burol ni Jennifer.

Ayon kay Secretary Coloma, igalang na lamang ang naging desisyon ng Pangulo. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481